Naniniwala si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na dapat nang ibaba ang alert level status ng Metro Manila.

“Nakikita talaga natin pababa eh, magmula sa two-week growth, nagsimula ang pilot, 113%. Ngayon -41% na,” ani Abalos sa isang panayam ngayong Miyerkoles.

“Personally, dapat ibaba na po ang alert level,” dagdag pa niya.

Kaugnay ang pahayag niya sa balitang patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases at hospital utilization rate sa NCR.

Samantala, sinabi ng opisyal na nakaantabay siya at ang mga alkalde ng Metro Manila sa pinal na desisyon ng Department of Health kaugnay sa magigingg alert level status ng Metro Manila.

Kasalukuyang nasa Alert Level 4 ang NCR na siyang nakatakdang magtapos sa Biyernes, Oktubre 15. (VA)

The post Alert level status ng NCR dapat ibaba – Abalos first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alert-level-status-ng-ncr-dapat-ibaba-abalos/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alert-level-status-ng-ncr-dapat-ibaba-abalos)