Nabigla umano ang ilang mga lalawigan na isasailalim sa pilot implementation ng alert level system, kaya naman hihilingin ng League of Provinces of the Philippines na iusad sa Nobyembre 1 ang pagpapatupad nito.
“Hihiling kami sa IATF na huwag munang i-implement, i-defer muna. Ang tingin ko, November 1 na,” pahayag ni LPP president at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. ngayong Miyerkoles.
Aniya, biglaan ang anunsyo ng pamahalaan na ilagay sa alert level system ang piling lalawigan sa bansa, na magsisimula ng Oktubre 20 hanggang 31.
“Sana huwag muna ipatupad agad kasi biglang-bigla. Paggising kinabukasan, ito na, i-implement na agad,” wika pa ni Velasco.
Ang mga piling lalawigan na ilalagay sa alert level system ay Negros Oriental, Davao Occidental, Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City, Davao del norte, Batangas, Quezon, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu, Davao de Oro. Davao del Sur at Davao Oriental.
Hirit ni Velasco ang pag-usad ng pagsisimula ng alert level system sa mga nasabing lugar dahil kailangan nila ng sapat na panahon para ilatag ang mga guidelines at abisuhan ang kanilang mga residente.
The post Alert level system biglaan, pinauusad sa Nobyembre 1 first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alert-level-system-biglaan-pinauusad-sa-nobyembre-1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alert-level-system-biglaan-pinauusad-sa-nobyembre-1)
0 Mga Komento