Ibinahagi ni Andrea Brillantes na isa rin siya sa nabiktima ng COVID-19.

Sa panayam sakanya ni Boy Abunda, sinabi ng batang aktres na asymptomatic siya at agad naman aniya siyang nag-isolate.

Dahil sa pagkakaroon ng COVID, inamin ni Andrea na kinakain siya ng insomnia at anxiety.

“Ang pinakamahirap po kasi para sa akin, I have insomnia and anxiety. Sa araw sobrang kaya ko naman lahat. Ginawa ko lang, I just read books. Pagdating po ng gabi, doon po ako nahihirapan,” kuwento ni Andrea.

Dagdag pa niya, nakakaranaz din siya ng sleep paralysis at bangungot.

“Lagi po akong binabangungot. Lagi akong nagkaka-sleep paralysis. So nagkaroon ako ng fear na matulog kasi may mga tao na nagkaka-heart attack sa pagtulog nila. Hindi na sila nagigising,” aniya.

Nanatili namang buhay ang figting spirit ng aktres sa kabila nito.

“Huwag mo lang isipin. Ngayon ko lang nagawa ’yung treatment sa sarili ko ’pag di ako makatulog, lagi ko lang iniisip, ‘No one’s gonna hurt you, Blythe.’ Kasi ako lang naman ’yung nag-iisip na may mananakit sa’kin. Pero wala naman talaga,” sey ni Andrea. (VA)

The post Andrea Brillantes sapul ng COVID, takot matulog: Baka di na po ako gumising first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/andrea-brillantes-sapul-ng-covid-takot-matulog-baka-di-na-po-ako-gumising/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=andrea-brillantes-sapul-ng-covid-takot-matulog-baka-di-na-po-ako-gumising)