Kinumpirma ni Golden State Warriors head coach Steve Kerr na nagpabakuna na kontra COVID ang kanilang small forward na si Andrew Wiggins.

“Andrew got vaccinated,” saad ni Kerr sa ulat ng ESPN. “He just told me today that he was fine with us acknowledging it and that will be the end of it. I’m not going to answer any questions beyond that.”

Matatandaang naging matigas si Wiggins laban sa pagpapaturok dahil sa kanyang mga paniniwala.

Sinubukan pa nga ni Wiggins na makiusap sa pamunuan ng NBA na payagan siyang lumaro sa home court ng Warriors kahit walang bakuna ngunit ‘di pinayagan.

Sa batas na pinaiiral sa San Francisco, California kung saan naroon ang home court ng Warriors, bawal lumaro sa indoor events ang mga hindi bakunado.

Kaya batay sa kumpirmasyon ni Kerr, makakalaro na si Wiggins sa home games ng Warriors. (mjd)

The post Andrew Wiggins naturukan na vs COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/andrew-wiggins-naturukan-na-vs-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=andrew-wiggins-naturukan-na-vs-covid)