Gumaling na mula sa COVID-19 si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Nagpasalamat naman ang arsobispo sa lahat ng nagdasal sa kanyang paggaling.

“Salamat sa Diyos, sa Mahal na Birheng Maria, at kay San Jose, gumaling ako mula sa karamdamang ito,” pahayag niya sa isang video message noong Sabado.

Nitong nakaraang buwan nang tamaan si Advincula ng virus.

Gayundin, hinimok niya ang publiko na magpabakuna laban sa COVID.

“Napatanunayan ko na malaking bagay ang bakuna upang malabanan ang COVID-19. Kaya hinihikayat ko ang lahat na magpabakuna para sa inyong kaligtasan at para sa kaligtasan ng ibang tao,” pahayag ni Advincula. (mjd)

The post Archbishop Advincula ligtas na sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/archbishop-advincula-ligtas-na-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=archbishop-advincula-ligtas-na-sa-covid)