Kabilang ang Athletics Stadium sa New Clark City (NCC) sa nakapasok sa nominasyon sa World Architecture Festival (WAF).

Ayon sa isang pahayag ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), punterya ng naturang sports stadium ang masungkit ang engineering prize sa naturang event.

Dahil dito, pinuri ni Vince Dizon, BCDA President at Chief Executive Officer, ang MTD Philippines na siyang development partner nila sa NCC.

Pinasalamatan din niya ang Budji+Royal Architecture+Design na kanilang architectural consultant sa naturang stadium.

“For the NCC Athletics Stadium to be recognized at such a high level not only for its architectural brilliance, but also for its structural quality, is a nod towards the thousands of engineers, designers and workers who completed this facility within a short period of time,” wika ni Dozon.

Isa ang naturang sports facility sa ginamit na venue sa ginanap na 30th Southeast Asian Games noong 2019.

Kabilang sa features nito ang 20,000 seating capacity at nine-lane 400 meter track and field.

Nakatakdang ikasa ang WAF sa Lisbon, Portugal mula Dec. 1 hanggang 3. (VA)

The post Athletics Stadium sa New Clark City swak sa World Architecture Festival first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/athletics-stadium-sa-new-clark-city-swak-sa-world-architecture-festivala/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=athletics-stadium-sa-new-clark-city-swak-sa-world-architecture-festivala)