Sa simula pa lang umano ay “patay” na ang inaasam na unity talk para sa opposition ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay vice presidential bet Lito Atienza, wala raw kasing gustong bumaba at lahat ay nais mag-presidente.

“It was a failure. The talks never succeeded, and there was no unity. ‘Yan ang katotohanan. I hope Luchi, that they wake up to reality that they should be self-sacrificing. Now, who will sacrifice? Tignan natin kung sino ang talagang merong mas sinserong pananaw sa nangyayari sa bansa ngayon,” lahad ni Atienza sa isang panayam sa “The Chiefs”.

“From the very start it was doomed because everybody was angling to run for president and no one was willing to slide down to run for vice president,” patuloy niya.

The post Atienza: ‘Isang oposisyon’ hindi nagtagumpay, lahat gusto maging presidente first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/atienza-isang-oposisyon-hindi-nagtagumpay-lahat-gusto-maging-presidente/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=atienza-isang-oposisyon-hindi-nagtagumpay-lahat-gusto-maging-presidente)