Sinabi ni vice presidentiable Lito Atienza na hindi negosasyon kundi pagdidikta ang nangyaring pakikipag-usap ni Vice President Leni Robredo sa mga tatakbong pangulo na sina Senador Ping Lacson, Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao.
Ani Atienza, dapat ay naging sinsero si Robredo sa asam nitong “unification” at handang magsakripisyo.
Hindi raw nagtagumpay ang usapan dahil pinilit ni Robredo na siya ang tatakbo sa pagka-pangulo.
“VP Leni should be also very sincere enough to be self-sacrificing, hindi ‘yung magkaisa tayo, ako presidente. Hindi puwede ‘yung ganung usapan. Hindi negosasyon ‘yun eh, dictation ‘yun,” pahayag ni Atienza sa panayam sa One PH.
“‘Yun ay maneuvering kaya nakita ni Ping Lacson ‘yan, nakita ni Isko Moreno ‘yan, nakita ni Manny Pacquiao ‘yan. Let’s have a little more sincerity. If you want unification, sino ba naman ang ayaw ng unification para manalo ang karapat-dapat? Pero hindi ko na nakikita ‘yan sapagkat before the deadline, before the filing eh ganun na ang takbo. Ako muna, sa likod ko kayo. Hindi puwede ‘yun. Ang negosasyon, negosasyon pero hindi puwedeng dictation at saka ako muna bago kayo,” dagdag niya.
Sa ngayon ay wala na raw nangyayaring unity talks para magkaroon ng iisang oposisyon.
“Nung natapos ‘yan noong una, before the filing, eh hindi na nagbalik negotiation table sapagkat ‘yun nga ang punto ng kampo ni Vice President Leni: Let’s unite behind me. Hindi magbubunga ‘yun. I don’t think the aspirants like Mayor Isko, Sen. Ping, and Sen. Manny Pacquiao will be misread that. That’s a clear message… Eh hindi nagbunga ng kahit miski ano ‘yung negotiation na ‘yun,” wika ni Atienza.
The post Atienza: Leni diniktahan sina Ping, Isko, Pacquiao first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/atienza-leni-diniktahan-sina-ping-isko-pacquiao/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=atienza-leni-diniktahan-sina-ping-isko-pacquiao)
0 Mga Komento