Aminado si Buhay party-list Rep. Lito Atienza na nasorpresa siya nang gawing ka-tandem ni Senador Manny Pacquiao para sa 2022 elections.

“Ako pinakanagulat. Dahil rekomenda ako nang rekomenda kung sino-sino, heto maganda… Eh di magkatugma hangarin ng mga pinagkikita-kita eh. Tumawag sa akin si Manny… nagtapat siya at sabing, ‘Alam mo sa aking discernment at sa aking pagdarasal, pag-iisip, ay naisip ko ring ikaw ang pinakamagaling na puwede kong maka-tandem,” lahad ni Atienza sa isang panayam sa “The Chiefs”.

“Sabi ko, ‘Alam mo Manny, committed na ako sa’yo eh. Let’s get somebody else, then I will be an addition.’ I tried convincing him pero talagang desidido siya, sabi niya, ‘Hindi talagang bunga ito ng pag-iisip, pag-aaral, you know me very well like the palm of your hand, I’m like a son to you.’ ‘Yung mga ganung appeal sabi ko wala na tayong pagtatalunan,” dagdag ni Atienza.

Itinanggi naman ni Atienza na walang makuhang iba si Pacquiao kaya siya na lamang ang pinili nitong maging VP.

“‘Di naman ganun. It has never been pushed in that manner. Wala na akong makuha kaya ikaw na lang. Hindi. Kung ganun ang tingin ko, di naman ako papayag. Hindi,” aniya.

The post Atienza nagulat na piniling VP ni Pacquiao first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/atienza-nagulat-na-piniling-vp-ni-pacquiao/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=atienza-nagulat-na-piniling-vp-ni-pacquiao)