Pinabulaanan ni vice presidentiable Lito Atienza na maunlad ang Pilipinas noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Aniya, dati raw ay kasing-unlad ng Pilipinas ang Japan pero nangulelat matapos ang Martial Law.

“We were deprived of a good life. We were deprived of a progressive, growing economy. Alam n’yo ang ekonomiya ng Pilipinas noon, kasing-unlad ng Japan. Ang Japan ang ating katunggali na ekonomiya sa Asya. After Martial Law, kulelat na tayo,” wika niya sa panayam sa One PH.

“Kaya hindi ko maintindihan ‘yung mga sinasabi na buti pa noong Martial Law, buti pa noong panahon ni Marcos. Anong ibubuti ‘yun? Pinahirapan tayo… at hanggang ngayon, pinapasan pa natin ang ginawa noong Martial Law,” dagdag niya.

The post Atienza: ‘Pinas nangulelat matapos ang Martial Law first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/atienza-pinas-nangulelat-matapos-ang-martial-law/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=atienza-pinas-nangulelat-matapos-ang-martial-law)