Tatlong bebot ang nagtamo ng injury matapos lumiyab ng bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa Guadalupe station sa EDSA nitong Sabado ng gabi.

Anang MRT3 management sa isang pahayag, naganap ang insidente alas-9:12 ng gabi at idineklarang fire out pagpatak ng alas-9:51 ng gabi.

“Minor injuries initially recorded were that of three ladies who sustained bruises in their legs after jumping off the train to the mainline tracks,” anang management.

Wala naman umanong nasawi sa naturang insidente. (VA)

The post Bagon ng MRT 3 lumiyab, 3 bebot injured first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagon-ng-mrt-3-lumiyab-3-bebot-injured/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagon-ng-mrt-3-lumiyab-3-bebot-injured)