Sasabak sa hard court ng politika sa 2022 elections si James Yap maging ang dating PBA player na si Don Allado.

Sina Yap at Allado ay parte ng ticket ni re-electionist Mayor Francis Zamora na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) ngayong Martes.

Si Yap, dating asawa ni Kris Aquino, ay tatakbong konsehal sa District 1 habang sa konseho naman ng District 2 si Allado.

Retirado na si Allado noong 2015 pa habang si Yap ay naglalaro pa rin para sa Rain or Shine Elasto Painters.

Samantala, ang isa pang dating PBA player sa lineup ni Zamora ay si Paul Artadi, na tatakbo sa ikatlo at huli niyang termino bilang konsehal ng District 1. (mjd)

The post Bagong liga: Yap, Allado papalag na San Juan konsi first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagong-liga-yap-allado-papalag-na-san-juan-konsi/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagong-liga-yap-allado-papalag-na-san-juan-konsi)