Sa huling tala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Linggo ay umabot na sa 40,875 ang mga preso na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa DILG, ang naturang numero ay mula lamang sa mga piitang pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa kabuuan ay may 123,499 preso ang nakakulong sa mga pinatatakbo ng BJMP.

Samantala, ang mga nakatanggap ng unang dose ay umakyat na sa 75,970.

“As part of our commitment, we will not stop until all the PDLs detained in BJMP-supervised jails have been fully vaccinated,” pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año.

Pagdating naman sa mga tauhan ng BJMP, pumalo na sa 15,311 ang kumpleto na ang bakuna o 81.44% ng kanilang kabuuang bilang. (mjd)

The post Bakunadong preso lagpas 40K na – DILG first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakunadong-preso-lagpas-40k-na-dilg/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bakunadong-preso-lagpas-40k-na-dilg)