Maaari nang pumunta ang mga backpackers sa Cebu City nang hindi nagpapakita ng COVID-19 test result ayon sa kanilang lokal na pamahalaan.

Batay sa kanilang direktiba, kailangan lamang magpakita ng turista ng patunay na fully vaccinated na siya kontra COVID-19 para makapasok sa kanilang lungsod.

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=267909322009119&set=a.248785633921488&type=3

Bukod sa vaccination card na may QR code, kailangan ding magpresinta ng mga turista ng proof of identity na may kasamang larawan at pirma.

Para naman sa mga hindi pa bakunado at hindi fully vaccinated, kailangan nilang magpakita ng negative RT-PCR test result na kinuha sa loob ng 72 oras.

Maaari din anila magpresinta ng negative antigen test o negative saliva test results na kinuha sa loob ng 48 oras. (VA)

The post Basta fully vaccinated! Cebu tatanggap ng turista kahit walang COVID-19 test first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/basta-fully-vaccinated-cebu-tatanggap-ng-turista-kahit-walang-covid-19-test/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=basta-fully-vaccinated-cebu-tatanggap-ng-turista-kahit-walang-covid-19-test)