Pinalawig ng provincial government ng Batanes ang modified enhanced community quarantine sa kanilang lugar hanggang sa katapusan ng Oktubre.
Ayon sa pamahalaan ng naturang probinsya, hakbang nila ito para maiwasan pa ang pagkalat ng COVID sa kanilang lugar.
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=198486842408128&set=a.187731966816949&type=3
“Bagamat bumababa na ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa ating Probinsiya, napagpasiyahan na mananatili sa MECQ ang buong Batanes hanggang October 31,” saad nila sa kanilang anunsyo nitong Biyernes.
“Ang patuloy na MECQ ay makakatulong upang masiguro na hindi na kumakalat pa itong nakakamatay na sakit. Mabibigyan din ng panahon ang ating Health Cluster upang matutukan ang patuloy na Case Finding and Surveillance at pagpapagaling ng mga COVID-19 patients,” dagdag pa nila.
Samantala, bumubuti naman na umano ang kalagayan ng Batanes kaugnay sa pagpuksa sa nakamamatay na virus.
Ayon kasi sa ulat ng ABS-CBN News, bumaba ang naitatalang new COVID cases habang dumadami naman ang mga nakakarekober dito.
Nito lamang Lunes nang pumalo sa 238 ang aktibong kaso doon kung saan 4 dito ay fresh cases. (VA)
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/batanes-mecq-pa-more-hanggang-oktubre-31/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=batanes-mecq-pa-more-hanggang-oktubre-31)
0 Mga Komento