Nakahanda si Senador Ronald “Bato dela Rosa na bawiin ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-presidente kung tumakbo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-pangulo sa ilalim ng PDP-Laban.

“Kapag i-accept n’ya yung offer ng PDP to become our standard bearer, the by all means I will withdraw,” pahayag ni dela Rosa sa online interview ng mga reporter.

“Pero kung partido ang tatalbuhan niya thorugh and through akong amgsuporta sa kanya. Pero I will wait for the decision of the party,” dagdag pa ng senador na spresang ng kanyang COC noong Oktubre 8.

Sabi pa ng dating Philippine National Police (PNP, mataas ang ‘winnability’ ni Mayor Sara kaya nakahanda siyang umatras sa kanyang kandidatura sakaling tumakbo ang alkalde sa ilaim ng PDP-Laban.

“Willing ako. I am very much willing kasi ‘yung winnability n’ya masyadong mataas and ‘yung kanyang capability, ‘yung kanyang capacity to lead, ay beyond question,” sabi ni Dela Rosa.

Inamin naman ni Dela Rosa na naging pinal ang kanyang pagtakbo sa apgka-presidente dalawang oras bago ang deadling ng paghahain ng COC.

“Tiinawagan ako 3pm na para magfile ng COC. Sabi ko, bakit pwedeng malaman anong rason, ang sabi ng liderato ng PDP laban si Sec. [Alfonso] Cusi wala na tayong ibang nakitang pwedeng magpatuloy sa legacy ni President Duterte,” lahad ng senador.

Pinabulaanan din nto na hihintay ng partido si Mayor Sara hanggang sa huling minuto ng paghahain ng COC.

Hindi rin umano sinabihan ng liderato ng partido na magiging pansamantalang standard-bearer ng PDP-Laban hanggang sa matapos ang panahon ng paghahain ng substitution o kapalit sa Nobyembre 15.

Subalit bukas umano siya kung magkaroon ng switching, withdraw, o replacement sa standard ng PDP-Laban.

“As far as I’m concercened, unless may magbabago which is perfectly legal, pwedeng magkaroon ng switching, withdrawal, replacement I’m open to that,” ani Dela Rosa.

“Kahit di ako sinabihan alam ko na pwedeng magkaroon ng replacement, antayin natin Nov. 15, kung magbabago man, I am a good solider,” ayon pa sa senador. (Dindo Matining)

The post Bato aatras sa presidential bid kung tatakbo si Mayor Sara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bato-aatras-sa-presidential-bid-kung-tatakbo-si-mayor-sara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bato-aatras-sa-presidential-bid-kung-tatakbo-si-mayor-sara)