Bukod sa kanyang sarili, nangako si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na poprotektahan niya si Pangulong Rodrigo Duterte sa isasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kapag nahalal na pangulo sa 2022.

“Hindi lang si President Duterte ang protektahan ko pati sarili ko dahil dalawa kaming co-accused sa kaso na ‘yan, ‘di ba? So protektahan ko rin sarili ko,” pahayag ni Dela Rosa sa ANC.

Nabanggit ang pangalan ng pangulo at ni Dela Rosa sa desisyon na ICC na magsagawa na full investigation sa anti-drug war ng administrasyong Duterte.

Sinabi naman ni Dela Rosa, dating Philippine National Police chief na nagpatupad ng kampanya laban sa iligal na droga, na papayagan niya ang ICC na pumasok sa bansa para mag-observe subalit hindi para magsagawa ng imbestigasyon.

“To be frank with you, I will allow them to come in to the Philippines and observe for themselves. Pero to conduct investigation, eh sampal ‘yan sa ating judicial system, sampal yan sa ating SC, sa ating mga courts,” sabi ni Dela Rosa.

Sinimulan ang kampanya kontra iligal na droga matapos na umupo sa puwesto si Duterte noong 2016. (Dindo Matining)

The post Bato poprotektahan si Duterte vs ICC probe first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bato-poprotektahan-si-duterte-vs-icc-probe/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bato-poprotektahan-si-duterte-vs-icc-probe)