Kinastigo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang mga kritiko na kinukwestiyon ang kanyang intensyon na tumakbo para sa pagka-pangulo sa gitna ng alegasyon na pansamantala lang nitong hinahawakan ang posisyon para sa presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
“Who are you to judge my intention. It is only me na makakasagot nyan kung gusto ko ba o hindi,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam sa ANC.
“The mere fact that I filed my COC is an overt manifestation of my clear intention to be the president of this Republic,” dagdag pa nito.
Nauna nang inamin ni Dela Rosa na nasabihan lang siyang maghain ng kanyang kandidatura ilang oras bago ang deadline sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) noong Oktubre 8.
Sinabi ni Dela Rosa na ang pagtakbo sa pagka-presidente ay hindi nangangahulugan na “long-term” na intensyon dahil maaari naman itong gawin sa huling minute.
“Bakit, ang intention ba kinakailangan long-term intention? Hindi tayo pwede makakabuo ng immediate intention?” ani Dela Rosa.
“Kinukwestyon nila yung aking bona fide intention to run for president dahil nga wala akong preparasyon. Yes, totoo yan hindi ako nagp-prepare pero ang intention ay malaking debate yan, hindi ako abogado pero very debatable issue ‘yan,” dagdag pa nito.
Nauna nang sinabi ni Dela Rosa na nakahandang siyang magbigay-daan kay Mayor Sara sakaling magdesisyon ang huli ng sumali sa pagtakbo sa pagka-presidente. (Dindo Matining)
The post Bato sa mga kritiko: Sino kayo para husgahan ako? first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bato-sa-mga-kritiko-sino-kayo-para-husgahan-ako/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bato-sa-mga-kritiko-sino-kayo-para-husgahan-ako)
0 Mga Komento