Hindi tatakabo sa pagkapangulo si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kung ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang personal niyang sinabi sa isang radio interview kaugnay sa kandidatura niya bilang lider ng bansa sa susunod na taon.

“Tinawagan ko si Senator Go, tinanong ko kung may blessing kay President. Sabi nya, ‘Oo pre. Nag-usap na ang partido at si Pangulong Duterte,” anang Senador.

“Ayun lang di naman ako puwedeng tumakbo kung ayaw ng pangulo,” dagdag pa niya.

Matatandaang humabol ng paghahain ng certificate of candidcay si Dela Rosa noong Biyernes kung saan sinamahan siya ni Duterte. (VA)

The post Bato sa pagtakbo bilang pangulo: May “blessing” ito ni Pangulong Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bato-sa-pagtakbo-bilang-pangulo-may-blessing-ito-ni-pangulong-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bato-sa-pagtakbo-bilang-pangulo-may-blessing-ito-ni-pangulong-duterte)