Opisyal na ang pagsabak ni dating senador Bongbong Marcos sa pagka-presidente nang maghain siya ng kanyang certificate of candidacy (COC) ngayong Miyerkoles, bagamat wala pa siyang running mate.

Si Marcos ay tatakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) kung saan siya nanumpa noong Martes.

Bukod sa PFP ay nasa likod din niya ang suporta ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL).

Wala pang ibinigay na pangalan si Marcos sa kanyang bise presidente, ngunit inamin niya na ang orihinal na plano ay maging running mate niya si Pangulong Rodrigo Duterte.

“The original plan was for us to adopt PRRD for our vice-presidential candidate; sa nangyari noong Sabado nagbago lahat ang plano,” saad ni Marcos.

Matatandaang sa halip na si Duterte ay si Senador Bong Go ang naghain ng COC para maging vice presidential bet ng PDP-Laban.

Pagdating naman sa mga senatoriables, sinabi ni Marcos na sa mga susunod na araw ay ilalabas nila ang mga pangalan ng pambato. (mjd)

The post BBM naghain COC; binalak ligawan si Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bbm-naghain-coc-binalak-ligawan-si-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bbm-naghain-coc-binalak-ligawan-si-duterte)