Opisyal nang kasapi ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nito lamang Martes nang umaga nang ibinahagi ng opisyal ang mga litrato ng naging oath taking niya para sa naturang partido.

https://www.facebook.com/100044537672013/posts/406287064199213/?d=n

“Ako po ay nanumpa bilang kasapi ng Partido Federal ng Pilipinas ngayong kanilang ikatlong anibersaryo,” ani Bongbong sa caption ng kanyang post.

Nito lamang Setyembre nang inendorso ng PFP si BBM bilang kanilang presidential candidate sa Halalan 2022.

https://www.facebook.com/100044535905189/posts/427199942107866/?d=n

“The resolution endorsing [former] Senator Ferdinand Bongbong Marcos Jr. to be the PFP’s presidential candidate in the May 9, 2022 national election has been moved and duly seconded,” anang partido sa kanilang pahayag sa isang national convention.

“There being no objection, the resolution is approved,” dagdag pa nila. (VA)

The post BBM sumapi sa PFP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bbm-sumapi-sa-pfp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bbm-sumapi-sa-pfp)