Muntik nang magising sa langit ang isang 40-anyos na babae sa Aberdeen, Scotland matapos maglakad habang tulog at mahulog sa bintana ng isang apartment na may apat na palapag.
Kinilala ang babae bilang si Lou Mitchell.
Ayon sa ulat ng The Sun, nakitulog lamang si Mitchell sa tinutuluyang apartment building ng kanyang kaibigan.
Kwento niya, masarap ang kanyang tulog at nagulat na lamang siya ng lumagapak na pala ang kanyang katawan sa bubong ng isang maliit na bahay.
Gayunman, 30 feet ang binagsakan ni Mitchell.
“I was at a friend’s flat warming and I had a really good night. I went to bed and the next thing I’m screaming on top of this building,” aniya. “I was in a lot of pain and had lots of blood on my head – but it’s all a bit of a blur.”
Agad siyang nadala sa pagamutan kung saan sa kabutihang palad ay sprained ankle at mga sugat sa noo lamang ang kanyang tinamo.
Ayon pa sa biktima, noong siya’y teenager ay madalas din siyang mag-sleepwalk ngunit hindi na raw niya ito nararanasan nang siya ay tumanda na.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bebot-nag-sleepwalk-tumalon-sa-bintana/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bebot-nag-sleepwalk-tumalon-sa-bintana)
0 Mga Komento