‘Di umubra si Michaela Belen at ang Team Rebisco sa opening match ng 2021 AVC Asian Women’s Club Championship kontra Altay-Kazakhstan, 23-25, 13-25, 17-15, sa Terminal 21 ng Nakhon Ratchasima, sa Thailand Biyernes ng gabi.

Mainit ang paluan ng dalawang panig sa opening set kung saan naitabla ng Rebisco ang iskor sa 17-all. Kahit nakalapit ang Pinay squad sa atake ni setter Camille Cal, 23-24, isang service error mula kay skipper Faith Nisperos ang nagbigay ng set sa Altay.

Nilapit pa ni Belen ang PH team, 14-20, sa third frame, pero nagtuloy ang pananalasa ng Kazakhstanis na ibinagahe ang tagumpay via straights.

Hindi nakapaglaro para sa ‘Pinas sina veterans Abegail ‘Aby’ Marano, Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat, at sina hitters Ejiya ‘Eya’ Laure at Ivy Lacsina dahil sa health protocols.

Sunod sa Rebisco ngayong Sabado ng alas-4:30 nang hapon ang Supreme Chonburi ng host country.

The post Belen, Rebisco tiklop sa Kazakhstan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/belen-rebisco-tiklop-sa-kazakhstan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=belen-rebisco-tiklop-sa-kazakhstan)