Markado ang Disyembre 5 para sa mga taga-hanga ng OPM band na Ben&Ben dahil sa petsang ito ay gaganapin ang unang major concert ng banda.

Ayon sa anunsyo ng Ben&Ben sa kanilang official Facebook page, ang concert ay pinamagatang ‘Kwaderno’ at gaganapin sa Araneta Coliseum.

“Our First Major Concert is happening this December. We’re excited to play for you all the songs from Pebble House Vol. 1: Kuwaderno, and all your favorite Ben&Ben songs,” saad sa post.

Ngayong Linggo umano ilalabas ang mga ticket at ang iba pang mga detalye sa naturang concert ay ilalabas nila sa mga susunod na araw.

Sikat ang bansa sa mga awitin gaya ng “Leaves,” “Maybe the Night,” “Pagtingin,” “Kathang Isip,” “Lifetime,” at “Upuan.” (mjd)

The post Ben&Ben manghaharana sa Disyembre first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/benben-manghaharana-sa-disyembre/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=benben-manghaharana-sa-disyembre)