Tumuntong na umano sa lagpas 70,000 ang kabuuang bilang ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa buong Pilipinas ang bakunado na kontra COVID, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon kay BJMP spokesperson Xavier Solda, 74,730 ang kabuuang bilang ng mga bakunadong preso mula sa 472 kulungan sa bansa.
Ito ay lagpas kalahati na sa 123,848 bilang ng mga PDL. “That’s roughly around 60% na po (already),” pahayag ni Solda.
“Sabi nga ng aming chief… ‘yung aming mga regional director ‘wag muna magpahinga. Tuloy-tuloy dapat ang coordination sa local government at ang aming director for health service lagi naka-contact sa national vaccine operation center,” dugtong pa niya.
Sa kabilang dako, 4,595 ang mga kaso ng COVID na naitala sa panig ng mga PDL, kung saan 4,404 ang nakarekober na.
“Nagtayo po tayo ng Ligtas COVID centers para immediately matugunan natin ‘yung may mga mild symptoms lamang na COVID patients natin,” wika pa ni Solda. (mjd)
The post BJMP: 70K preso bakunado vs COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bjmp-70k-preso-bakunado-vs-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bjmp-70k-preso-bakunado-vs-covid)
0 Mga Komento