Iginiit ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado na gumaganda na ang COVID response ng bansa sa kabila ng lumabas na Bloomberg report kung saan kulelat sa 53 bansa ang Pilipinas pagdating sa paglutas ng pandemya.

Espesipikong binanggit ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagbabakuna at testing capacity bilang mga bagay na nag-improve na umano sa bansa.

Aniya, sa ngayon ay mula 3,000 katao kada araw na nababakunahan noong Marso, sa ngayon ay daan-libo na ang natuturukan kada araw.

Bukod dito, umakyat na rin sa 260 ang mga testing laboratory sa Pilipinas, na nakakapagsagawa ng mula 70,000 hanggang 80,000 COVID tests kada araw.

“So if we look at this kind of improvement, even though nandoon tayo sa mga ganoong studies, we think we are doing something and we are improving,” pahayag ni Vergeire.

“Although we cannot say na maipapantay doon sa ibang bansa, but all these countries are having these difficulties and challenges right now,” wika pa ni Vergeire.

Una na ring binalewala ng Palasyo ang Bloomberg report dahil 53 bansa lang naman umano ang iniranggo.

The post Bloomberg report inisnab: COVID response ng Pinas gumanda – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bloomberg-report-inisnab-covid-response-ng-pinas-gumanda-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bloomberg-report-inisnab-covid-response-ng-pinas-gumanda-doh)