Walang plano si Senador Bong Revilla na tumakbo sa pagka-pangulo sa Halalan 2022.

Ito’y kasunod ng pahayag ni Lakas-CMD Secretary General Prospero Pichay na si Revilla ay nananatiling opsiyon bilang kandidato ng partido sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa susunod na eleksiyon.

“I am honored by the trust and confidence of the Party and our kababayans, but I have no intention (running for the presidency),” reaksiyon ni Revilla.

Sa panayam sa CNN Philippines, sinabi ni Pichay na hindi umano inaasahan ni dating pangulo at House speaker Gloria Macapagal-Arroyo na makukuha pa nila si Davao City Mayor Sara Duterte na maging pambato ng partido sa pagka-pangulo.

Subalit nireserba umano nila si Revilla bilang standard bearer ng Lakas-CMD party.

“We wanted Bong Revilla to run for president but he declined. We tried to convince him but he declined. Maybe he will change his mind, we don’t know,” sabi ni Pichay.

Sabi pa ni Pichay, huli umano nilang nakausap si Mayor Sara noong Oktubre 8, ang deadline sa paghahain ng certificate of candidacy (COC). Si Mayor Sara naman ay naghain na ng COC sa muli niyang pagtakbo sa pagka-mayor ng Davao City.

“Wala nang pag-uusap. We really have to respect the decision of Mayor Inday Duterte,” ayon kay Pichay.

The post Bong Revilla walang intensiyong tumakbong pangulo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bong-revilla-walang-intensiyong-tumakbong-pangulo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bong-revilla-walang-intensiyong-tumakbong-pangulo)