Hindi napag-uusapan sa MalacaƱang ang posibilidad na bigyan ng booster shot si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ng Palasyo sa harap ng pagbibigay ng go signal ng World Health Organization (WHO) sa US-FDA na bigyan ng third shot ang mga naturukan ng Sinopharm at Sinovac vaccines.
Ang Pangulo ay bakunado ng Sinopharm, batay sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala siyang naririnig para sa third shot ni Pangulong Duterte dahil ang tutok ngayon ng MalacaƱang ay pabilisin ang pagbakuna sa buong bansa.
“I have not heard of any talk about the third shot no and we’re still focused on increasing the total vaccination rate in the country which is 30%, although Metro Manila has reached 80%,” ani Roque.
Sa ngayon anang kalihim, ay nakasentro ang atensyon ng gobyerno para sa mabilis na vaccination rollout sa iba’t ubang rehiyon sa bansa para maabot ang target population protection para sa kaligtasan ng lahat ng mga Pilipino. (Aileen Taliping)
The post Booster shot kay Duterte hindi pa pokus ng Palasyo first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/booster-shot-kay-duterte-hindi-pa-pokus-ng-palasyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=booster-shot-kay-duterte-hindi-pa-pokus-ng-palasyo)
0 Mga Komento