Nakatakdang lumitaw ang pelikula nina Brillante Mendoza at Erik Matti sa South Korea para sa Busan International Film Festival.

Nakapasok lang naman kasi ang “Gensan Punch” ni Mendoza at “On The Job: The Missing 8” ni Matti sa nasabing prestihiyosong film fest.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nominated ang “Gensan Punch” para sa Kim Jiseok Award ng “A Window on Asian Cinema” category.

Samantala, kasama naman ang “On The Job: The Missing 8” sa listahan ng mga pleikula sa ilalim ng “A Window on Asian Cinema” category.

Matatandaang nito lamang nakaraang buwan ng kilalanin sa Italya ang nasabing pelikula ni Matti.

Sa pelikulang ito rin nasungkit ni John Arcilla ang Volpi Cup award. (VA)

The post Brillante Mendoza, Erik Matti magpapasikat sa Busan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/brillante-mendoza-erik-matti-magpapasikat-sa-busan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=brillante-mendoza-erik-matti-magpapasikat-sa-busan)