Pinatunayan ni Alessandra de Rossi na hindi niya kailangan ng lalaki para sumaya.

Mukhang nag-e-enjoy kasi ang aktres sa paghubog ng kanyang mga talento — mapa-arte man, pagdidirek, at ngayon sa pagiging musikera.

Kasalukuyan kasing meron ng sariling music label si Alesandra, ang AWOOO (A World Of Our Own) Records na siyang binuo niya kasama sina Southern California singer-songwriter Alfa at Filipino-German chanteuse Hya na siyang mga unang talents niya.

“It took 20 years for people to actually believe in me,” anang aktres.

“I hope God blesses me with the right people, so that I can serve these artists and they don’t have to wait as long to be heard and understood. But this isn’t all about women, ha? If there are male artists out there who I like, I will help them too,” dagdag pa ni Alessandra. (VA)

The post Bukod sa pagiging aktres, direktor: Alessandra de Rossi musikera na rin! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bukod-sa-pagiging-aktres-direktor-alessandra-de-rossi-musikera-na-rin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bukod-sa-pagiging-aktres-direktor-alessandra-de-rossi-musikera-na-rin)