Ipinangalan kay Education Secretary Leonor Briones ang isang hybrid gumamela ngayong Sabado, sakto sa kanyang ika-81 kaarawan.
Ang hybrid gumamela o “Hibiscus rosa-sinensis” ay binigyan ng pangalang “Leonor M. Briones” kaugnay ng programang Women in Public Service ng University of the Philippines – Los Baños (UPLB).
Ang bulaklak na ipinangalan kay Briones ay binigay din sa kanya bilang birthday gift ngayong Sabado.
“I am humbled and deeply honored to have a wonderful variant of Gumamela named after me,” wika ni Briones. “As a nature lover and educator, I appreciate UPLB’s Women in Public Service series that recognizes outstanding Filipino women in government.”
Ang hybrid gumamela ay dinevelop ng Institute of Plant Breeding.
Si Briones ang napiling pagbigyan ng bagong gumamela ng pamunuan ng UPLB.
Ito na ang ika-21 taon ng Women in Public Service, na kada-taon ay ipinapangalan sa isang natatanging babae ang isang hybrid gumamela.
The post Bulaklak ipinangalan kay Sec. Briones first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulaklak-ipinangalan-kay-sec-briones/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bulaklak-ipinangalan-kay-sec-briones)
0 Mga Komento