Ilang araw bago isara ang mga sementeryo, tumumal umano ang benta ng mga bulaklak sa Dangwa, ayon sa mga nagtitinda.

Ayon sa ulat, mas marami pa raw ang bumibili noong nakaraang linggo, kung saan may mga taong maagang nagpunta sa mga sementeryo.

Nakatakda kasing isara ang mga sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Kaugnay ng pagtumal ng benta, wala pa namang pagbabago sa presyo ng mga bulaklak.

Ang orchids ay ibinebenta ng P600 kada bugkos, P200 sa kada dosena ng red roses, at P150 sa puting rosas.

Bahagya pang bumaba ang presyo ng Chrysanthemum, Gerbera at Carnation.

Maayos pa rin umano ang suplay ng mga bulaklak bagamat hindi matukoy ng mga nagtitinda kung magbabago pa ang presyo ng mga ito. (mjd)

The post Bulaklak sa Dangwa nilalangaw first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulaklak-sa-dangwa-nilalangaw/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bulaklak-sa-dangwa-nilalangaw)