Nagtala ng 55 volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras ang Taal Volcano sa Batangas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado, maliban sa lindol, patuloy din ang pagtaas ng maiinit na likido ng bulkan sa lawa nito at paglabas ng sulfur dioxide na nag-average ng 9,451 tonelada noong Biyernes.

Umabot ang usok hanggang 1,200 metrong taas mula sa pangunahing bunganga ng bulkan.

Nananatili ang Alert Level 2 sa Taal Volcano.

Ibig sabihin maaaring mayroong “probable intrusion of magma at depth, which can lead to magmatic eruption.”

The post Bulkang Taal inuga ng 55 beses first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulkang-taal-inuga-ng-55-beses/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bulkang-taal-inuga-ng-55-beses)