Sa kagustuhang maihayag ang kanyang panig pagdating sa politika, nakalimutan ng social media staff ng Manila Bulletin na magpalit ng account at sa halip ay pinang-komento ang mismong account ng pahayagan.

Sa viral photo, makikita ang comment ng verified account ng Bulletin na pinang-sagot sa isang komento sa Facebook.

“Research ka kung ilang Malasakit Center at ilang Pilipino na ang nakinabang. Kesa naman yung iba dyan sarili lang nila nakinabang,” saad sa komento ng Bulletin, na ayon sa kanila’y gawa ng isa nilang staff.

Lumalabas sa naturang komento ang pagtatanggol kay Senador Bong Go na siyang nasa likod ng Malasakit Center.

Kaya naman nitong Lunes ay naglabas ang pahayagan ng public apology.

“The Manila Bulletin takes responsibility for an incident wherein a member of our Facebook Page staff mistakenly used our platform’s account to post a personal reply to a comment. We are taking measures to prevent this from recurring, while the staff responsible for this mistake will be dealt with accordingly,” pahayag ng Bulletin.

Nangako rin ang pahayagan na sila ay walang pinapanigan sa pagbabalita. (mjd)

https://www.facebook.com/manilabulletin/photos/a.147434127984/10160538129932985/

The post Bulletin pinahiya ng tauhang DDS first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulletin-pinahiya-ng-tauhang-d2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bulletin-pinahiya-ng-tauhang-d2)