Dismayado si WBO bantamweight title holder Johnriel Casimero nang makuha ng bagong-gawang promotional outfit na Probellum ang rights na i-promote ang susunod niyang laban sa Disyembre.

Ito ay dahil hindi man lang sumali sa bidding ng pag-promote ng laban ang may hawak kay Casimero na TGB Promotions o kahit ang MTK Global na humahawak sa kanyang makakalaban si Paul Butler.

Kaya naman, nakuha ng Probellum ang promotion ng Casimero-Butler fight sa halagang $105,000, kung saan 75% nito ang maibubulsa ng Pinoy champion.

“Lalaban kahit walang suporta. Let’s go,” pahayag ni Casimero sa kanyang social media post. “Lalaban para may maibigay ulit.”

Bukod sa mas maliit na kita, mukhang malabo rin na sa US ganapin ang laban dahil tinitingnan ng Probellum ang ibang mga venue tulad ng UK at Dubai.

Ang laban ni Casimero kay Butler ay utos ng WBO, na nagpaantala sa pagsagupa ni Quadro Alas sa mga target na sina Naoya Inoue at Nonito Donaire.

The post Casimero nakulangan sa suporta sa susunod na laban first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/casimero-nakulangan-sa-suporta-sa-susunod-na-laban4/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=casimero-nakulangan-sa-suporta-sa-susunod-na-laban4)