Ibinunyag ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na si dating senador Antonio Trillanes IV ang kumontra na makasama siya sa senatorial slate ng tandem nina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan.
“Were you told who opposed your inclusion?” tanong kay Colmenares sa panayam sa ANC.
“Yes nabanggit ‘yan… it’s Senator Trillanes,” sagot ni Colmenares.
Kabaliktaran naman ito ng pagsang-ayon ni Trillanes kina dating vice president Jejomar Binay, Senador Richard Gordon at Migz Zubiri na makasama sa Leni-Kiko senatoriables, na mga nakabangga niya.
Nakagirian ni Trillanes si Binay nang maglunsad ang una ng pag-iimbestiga sa Senado sa diumano’y iregularidad ng huli at pamilya nito sa Makati City.
Kabilang sa naging paratang ni Trillanes kay Binay ang sinasabing overpriced na Makati City Hall 2 parking building noong alkalde pa ang huli ng lungsod.
Samantala, nagsampa naman noon si Trillanes ng kasong plunder kay Gordon dahil sa umano’y maling paggamit ng pondo ng gobyerno.
Nagkaroon naman ng word war sina Trillanes at Zubiri matapos akusahan ng una ang huli kasama si Gordon ng pag-whitewash sa Senate probe tungkol sa bribery scandal na kinasasangkutan ng mga dating opisyal ng Bureau of Immigration.
The post Colmenares hinarang ni Trillanes sa Senate slate ni Leni first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/colmenares-hinarang-ni-trillanes-sa-senate-slate-ni-leni/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=colmenares-hinarang-ni-trillanes-sa-senate-slate-ni-leni)
0 Mga Komento