Kinumpirma ng Department of Health na bumababa na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa sa bawat araw.

“We are confirming that the cases are declining,” ani Health undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang briefing.

Buko dito, sinabi rin ng DOH official na tumutumal na rin ang paglobo ng kaso ng virus sa ilang lugar sa NCR Plus at Luzon.

Kaugnay nito, hinimok ni Vergeire ang publiko na patuloy na mag-ingat dahil nananatiling nasa mataas na utilization rate ang mga ospital sa bansa.

“Although 68% lang ang ating ICU utilization ngayon, kailangan pa rin natin pag-ingatan na matuloy maibaba at ma-decongest ang ating mga ospital so that we can move on and open up some sectors in our economy,” saad niya. (VA)

The post COVID cases sa bansa bumababa na – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-cases-sa-bansa-bumababa-na-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-cases-sa-bansa-bumababa-na-doh)