Dahan-dahan nang bumababa ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR) ayon sa OCTA Research ngayong Lunes.

Anila, mula kasi 0.58 ay 0.57 na lang ito ngayon.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa dami ng tao na maaaring mahawa mula sa isang positibong kaso.

Ayon sa pag-aaral, ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nangangahulugang bumabagal na ang pagkalat ng virus.

Ayon sa ulat ng GMA News, kasalukuyang nasa 44% ang hospital occupancy rate ng NCR samantalang 59% naman ang occupancy rate ng mga ICU. (VA)

The post COVID reproduction number sa NCR pababa na – OCTA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-reproduction-number-sa-ncr-pababa-na-octa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-reproduction-number-sa-ncr-pababa-na-octa)