Patuloy pang bumabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila ayon sa OCTA Research group nitong Sabado.

Anang grupo, bumaba pa kasi sa 0.45 ang reproduction number nito na nooong Lunes ay 0.57.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa dami ng tao na maaaring mahawa mula sa isang positibong kaso.

Ayon sa pag-aaral, ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nangangahulugang bumabagal na ang pagkalat ng virus.

Kaugnay nito, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaari pang lumuwag ang quarantine status sa Metro Manila sakaling magpatuloy pa ang pagbaba ng naitatalang daily COVID-19 cases.

Kasalukuyang nasa Alert Level 3 ang NCR. (VA)

The post COVID sa NCR pumirme na – OCTA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-sa-ncr-pumirme-na-octa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-sa-ncr-pumirme-na-octa)