Pinaiksi sa apat na oras ang curfew sa Metro Manila simula sa Miyerkoles, Oktubre 13.

Ayon kay Metro Manila Council Head Edwin Olivarez, magiging alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling-araw ang curfew hours sa rehiyon.

Kasalukuyang alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw ang curfew sa Metro Manila.

Ani Olivarez, ang adjustment sa curfew hours ay dahil sa pagbaba ng COVID-19 case at health care utilization rate, at upang matulungan ang mga negosyante at empleyado sa dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya.

The post Curfew sa Metro Manila pinaiksi first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/curfew-sa-metro-manila-pinaiksi/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=curfew-sa-metro-manila-pinaiksi)