Umapela ang Bayan Muna sa Senado na asikasuhin na ang panukala na magdaragdag ng P500 sa buwanang pensyon ng mga mahihirap na senior citizen.

Ayon kina House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna chairperson Neri Colmenares, kulang na kulang ang kasalukuyang P500 pensyon ng mga mahihirap na senior citizen.

Ang panukala ay inaprubahan ng Kamara de Representantes noong Agosto 21. Naghain ng parehong panukala si Senate President Tito Sotto noong Mayo at nakabinbin ito sa Senate Committee on Justice na pinamumunuan ni Sen.Dick Gordon.

“We earnestly request the Senate to deliberate and pass in the soonest possible time this long awaited measure by our elderly people. In this time of pandemic-aggravated crisis, many of our senior citizens surely need an increase from their current P500/month social pension,” hiling ni Zarate.

Ayon kay Colmenares bukod sa pagtataas ng pensyon dapat ding itama ang limitasyon ng kasalukuyang batas.

“Not only is the P500/month pension dismally low, but the law allows for the disqualification of many elderly due to its requirement that senior citizens must prove that they are “frail and sickly” in order to qualify for social pension. Out of millions of senior citizens of the country only less than half of them receive social pension,” sabi ni Colmenares.

Sa ilalim ng panukala, sinabi ni Colmenares na “Pag at least 60 years old ka na, dapat bigyan ka ng P1,000 piso kada buwan, wala nang che che bureche.”

Sinabi ni Colmenares na isinulong din ng Bayan Muna ang dagdag na P2,000 sa buwanang pensyon ng Social Security System (SSS).

Naibigay na ang P1,000 pero patapos na umano ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay wala pang linaw kung kailan ibibigay ang P1,000 pa.

“We strongly urge Pres. Duterte to fulfill this promise,” dagdag pa ng dating solon. (Billy Begas)

The post Dagdag-pensyon sa mahirap na senior asikasuhin na – Bayan Muna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dagdag-pensyon-sa-mahirap-na-senior-asikasuhin-na-bayan-muna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dagdag-pensyon-sa-mahirap-na-senior-asikasuhin-na-bayan-muna)