Kasalukuyang inihihirit ng mga jeepney operator at drayber ang P3 dagdag-singil sa pamasahe bunsod ng sunod-sunod na pagmaga ng presyo ng produktong petrolyo.

“Kung ang presyo na ng ating produktong petrolyo ay tuluyang magpapatuloy pang magpapapataas,” ani Jojo Martin na siyang vice president ng Pasang Masda.

Dahil dito, nananawagan silang gawing P12 na ang kasalukuyang minmum fare na P9.

“Wala namang ginagawang tulong sa amin ang gobyerno. Humihingi ako ng pasensya sa lahat ng mananakay ng jeepney. Kawawang-kawawa na rin ‘yung aming mga tsuper,” sambit naman ni Boy Vargas ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines.

Ayon sa ulat ng GMA News, nakasaad sa datos ng Department of Energy (DOE) nitong Oktubre 5 na nasa P16.55 ang total net increase ng gasolina kada litro, P15.00 kada litro ng diesel, at P12.74 naman sa kerosene. (VA)

The post Dahil sa price hike sa petrolyo: P12 pamasahe hirit ng mga jeepney driver! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahil-sa-price-hike-sa-petrolyo-p12-pamasahe-hirit-ng-mga-jeepney-driver/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dahil-sa-price-hike-sa-petrolyo-p12-pamasahe-hirit-ng-mga-jeepney-driver)