Nag-tandem sina Anakalusugan Rep. Michael Defensor at Councilor Winnie Castelo para tumakbo sa dalawang pinakamataas na posisyon sa Quezon City.

Sa isang Viber message, kinumpirma rin ni Defensor na kasama sa kanilang team si dating Quezon City Rep. Bingbong Crisologo na tumakbo sa pagka-alkalde noong 2019 pero natalo kay Mayor Joy Belmonte.

Sinabi ni Defensor na maghahain ito ng kanyang certificate of candidacy (COC), sa “7 ng umaga”.

Ang congressional slate ng Defensor-Castelo tandem ay sina Rep. Onyx Crisologo (1st district), Rep. Precious Hipolito Castelo (2nd district), Rep. Allan Reyes (3rd district), Marvin Rillo (4th district), Karl Castelo (5th district), Rose Lin (5th district) at Bingbong Crisologo (6th district). (Billy Begas)

The post Defensor-Castelo nag-tandem para sa QC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/defensor-castelo-nag-tandem-para-sa-qc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=defensor-castelo-nag-tandem-para-sa-qc)