Bumasag ng national record sa women’s 50-meter breaststroke si Thanya Dela Cruz sa pagbubukas ng 2021 Philippine Swimming, Inc. Swimming National Selection sa New Clark City Aquatic Center sa Tarlac Biyernes.

Nagtala ang 18-year-old Marikina City bet ng 32.89 seconds na tumaklob sa 32.93 ni Joy Rodgers na 32.93 na tinatak sa PH 30th Southeast Asian Games 2019 sa naturanb ding playing venue.

“Sobrang saya kasi tagal na hindi nakapag-swim. I mean, so coming here wala namang expectations, just to get back the feeling lang,” bulalas ni Dela Cruz. “I didn’t expect a record.”

Bumida rin ang Ayala Harpoons Swim Club standout sa women’s 50-meter freestyle na may 27.92 seconds, inungusan si second placer Trixie Ortiguera ng Tarlac Mako Sharks SC (29.31).

Nangibabaw sa men’s 100m butterfly event si Maurice Sacho Ilustre sa 57.13 clocking, nanguna sa men’s 400 freestyle si Miguel Barreto ng Ayala Harpoons sa 4:07.37 at nagpasiklab sa women’s 400 frees si QC Buccaneers entry KirstenChloe Daos sa 4:39.21.

Sa men’s 50m breast, una si Harpoons’ Ryan Marco Tirol (30.05) habang bumida sa men’s at women’s 100m back sina John Niel Paderes (1:01.22) at Shayne Lugay (1:10.38).

Dinomina naman ni 82nd UAAP Girls’ Swimming MVP Camille Buico ang 100 fly (1:03.94), pumrimero si Joshua Del Rio ng Ateneo Blue Knight Swim Club sa men’s 1500 free (16:40.1) habang nanaig si Michaela Jasmine Mojdeh sa women’s event sa 18:58.71.

Ipagpapatuloy ngayong Sabado ang kampayan na mga suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Bases Conversion and Development Authority (BCDA), at Clark Development Corporation (CDC).

The post Dela Cruz nagmarka sa 50m breaststroke first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dela-cruz-nagmarka-sa-50m-breaststroke/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dela-cruz-nagmarka-sa-50m-breaststroke)