Itinuturong dahilan ni Mayor Benjamin Magalong ang Delta variant bilang dahilan sa pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Ani Magalong, naitala kasi sa naturang lungsod ang 260 bagong kaso at 8 bagong nasawi dahil sa COVID nitong nakaraang linggo.

“We are experiencing a lot of cases. We are experiencing a surge dito sa Baguio. In fact yung increase is not linear talagang exponential, naka-curve siya,” anang alkalde sa isang briefing.

“According to Philippine Genome Center (PGC) data… we have 32 cases of Delta. However, in our analysis, using our technical tools, there are a thousand Delta cases,” dagdag pa iya.

Kaugnay nito, sinabi ng contact tracing czar na patuloy nilang paiigtingin ang kanilang pagpapatupad ng mga COVID safety protocols at border controls para maiwasan ang pagkalat ng Delta variant. (VA)

The post Delta variant salarin sa COVID spike sa Baguio – Magalong first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/delta-variant-salarin-sa-covid-spike-sa-baguio-magalong/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=delta-variant-salarin-sa-covid-spike-sa-baguio-magalong)