Wala umanong plano ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isara sa publiko ang Manila Bay Dolomite Beach sa kabila ng pagbaha ng mga tao at kakulangan sa pag-obserba ng health protocols sa naturang lugar.

Sa panayam ng dzBB kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, ginastusan ang pagpapagawa sa artificial beach kaya’t hindi umano makatarungan kung isasara ito sa publiko.

“Hindi po natin maaaring gawin ‘yun [na isara]. Kung tayo ang gumastos ng ganu’ng napakalaki para lang po isara ‘yan, I don’t think it will be fair to the Filipino people,” ani Antiporda.

Gayunman, sinabi ni Antiporda na habang bukas ang Dolomite Beach sa publiko ay magpapatupad sila ng health protocols upang hindi maging super spreader ang pagpasyal dito ng mga tao.

“The dolomite beach was opened to relieve the anxiety of the people amid the pandemic, but we will not permit a super spreader. We are recalibrating our system to ensure the safety of our people,” dugtong pa niya. “We are doing our best to satisfy everybody.”

Nitong Linggo ay inanunsyo ng Manila Bay Coordinating Office na tuwing Biyernes ay isasara ang Dolomite Beach.

Nagkakahalaga ng P389 milyon ang paglalagay ng artificial sand sa Manila Bay. (mjd)

The post DENR: Dolomite Beach ‘di ikakandado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/denr-dolomite-beach-di-ikakandado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=denr-dolomite-beach-di-ikakandado)