Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na anim sa kanilang pansamantalang offsite passport services ay magpapatuloy ang operasyon hanggang Disyembre.

Kaugnay ang desisyon sa patuloy na pagtaas ng demand para sa passport appointment slots.

Ayon sa ulat ng GMA News, magpapatuloy sa operasyon ang mga sumusunod na offsite passport services:

SM Mall of Asia
SM North EDSA
SM Aura
Robinsons Place Las PiƱas
Robinsons Place Magnolia sa Quezon City
Ayala Glorietta 3 sa Makati.

Kaugnay nito, nagsimula na rin magbukas ng mga offsite passport services facilities ang DFA sa labas ng Metro Manila. (VA)

The post DFA aasikasuhin passport kahit Pasko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dfa-aasikasuhin-passport-kahit-pasko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dfa-aasikasuhin-passport-kahit-pasko)