Naitala ng Department of Health nitong Lunes ang karagdagang 633 kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 4,431 ang tinamaan ng mas nakahahawang uri ng COVID.

Bukod dito, na-detect din sa 748 samples na kuha noong Setyembre ang 3 kaso ng Alpha varian at 6 kaso ng Beta variant.

Batay sa ulat ng CNN Philippines, nananatiling “most common lineage” ng COIVD sa bansa ang Delta variant na siyang 29.2%. (VA)

The post DOH: 633 katao sapol ng Delta variant first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-633-katao-sapol-ng-delta-variant/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-633-katao-sapol-ng-delta-variant)