Mahigit 8,000 minors with comorbidities sa bansa ang nabakunahan na kontra COVID-19 ayon sa Depatment of Health nitong Sabado.

Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 8,639 children with comorbidities na ang kabuuang bilang ng naturukan nila.

Kaugnay nito, sinabi rin niya na target ng kanilang ahensya na palawakin pa ang kanilang pediatric vaccination sa labas ng Metro Manila.

“Kapag nakita po natin na mukha namang talagang maayos ang nagiging pagpapatupad natin, i-expand na po natin. I think parents have recognized the value of the vaccines,” wika niya.

“So we are looking at that already, how we are going to expand in the coming weeks,” dagdag pa niya. (VA)

The post DOH: 8K bagets with comorbidities nabakunahan vs COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-8k-bagets-with-comorbidities-nabakunahan-vs-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-8k-bagets-with-comorbidities-nabakunahan-vs-covid)