Tagumpay ang unang araw ng pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga kabataang edad 12-17.
Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos matanggap ang report sa unang araw ng pediatric vaccination sa National Capital Region.
Ayon kay Vergeire, naging maayos ang implementasyon ng unang araw ng pagbakuna sa mga kabataang may comorbidities na ginawa sa walong ospital sa Metro Manila.
“Naging matagumpay yung simula ng ating vaccination rollout for our pediatric population with comorbidities,” ani Vergeire.
Batay aniya sa natanggap nilang report nitong Biyernes ng gabi, mayroong kabuuang 1,151 na kabataan ang nabigyan ng COVID vaccine sa unang araw ng pagbakuna sa mga kabataan at walang naitalang nagkaroon ng problema matapos maturukan ang mga ito.
“According to the reports, wala pong naitalang untoward adverse reaction among these children vaccinated,” dagdag ni Vergeire.
Inaasahang magtuloy-tuloy ang gagawing pagbakuna sa mga kabataan sa mga susunod na araw, at bubuksan na rin ang vaccination rollout sa general population para mas mabilis na maabot ng gobyerno ang target population para sa kaligtasan ng mga Pilipino laban sa COVID-19.
The post DOH: Unang araw ng turukan sa kabataan tagumpay first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-unang-araw-ng-turukan-sa-kabataan-tagumpay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-unang-araw-ng-turukan-sa-kabataan-tagumpay)
0 Mga Komento